Friday, January 24, 2014

Suppliers' Review (Part Two)

Here is the second part of our suppliers' review.

Part one can be found HERE.

Foreveryday Photography
Rate: 5/5 – HIGHLY RECOMMENDED

Pros:
  • Gail and his team are great to work with
  • Value for money. We booked his service-only package worth 30K. Nakakuha din kami ng 10% discount  dahil may promo sya for those who booked him earlier that year.
  • Sulit ang bayad namin kay Gail kasi ang ganda ng kinalabasan ng photos namin (as expected). Gwapo at maganda kami ni Obi.
  • Masarap ka-work sina Eric Chua at Khristian Alog din. Part of Gail's team that day.
  • Gail is part of Pat Dy’s team kaya medyo may hint of the latter's style sa mga photos namin.
  • SUPER bait ni Gail. Kahit supplier ko nag-comment na ang bait nya ka-work.
  • Magaling mag-direct si Gail ng mga dapat na poses ko sa lahat ng photos.
Cons:
  • WALANG WALA SYEMPRE!
Our awesome onsite photos here:
Rate: 5/5 – HIGHLY RECOMMENDED

Pros:
  •  Magaling si Christian, madami sa guests namin were asking kung sino at magkano ang videographer namin.
  • Open to suggestion si Christian. Ginawa nya yung mga special request namin sa video.
  • Naka-work na nya si Gail kaya good na ang chemistry nila.
  • Value for money. We booked him early at nakuha namin ang 2012 rate nya. 35K lang ang video package na kinuha namin sa kanya.   
Cons:
  •  WALANG WALA SYEMPRE!
Our awesome SDE here:


Rate: 5/5

Pros:
  • Church florist namin si Fullblooms and madami kaming nakuhang freebies sa rate na bigay nya sa amin like lose petals, bridal car flowers at curtain decor sa church doors.
  • Natuwa ako sa curtain na setup nya sa simbahan. Didn’t expect it to be that good. Ineffortan talaga ang pag set-up.
  • Got a 10% discount. 9K na lang ang rate na bigay nya sa amin.
  • No extra charge na rin yung pag-transfer ng flowers from church to reception venue.
Cons:
  • None

church flowers



church entrance (curtains)


Khevin Almario (Wedding Singer - Church)
Rate: 5/5  - HIGHLY RECOMMENDED

Pros:
  • Ang galing ni Khevin kumanta. Choir-ish ang voice nya at pang-simbahan talaga.
  • Mura lang ang rate nya. Naka-discount lang kami kasi friend ko ang friend nya. Hihi!
  • Nagse-serve sya sa NSDG Church kaya walang problema sa mga liturgical songs kasi marami syang alam.
Cons:
  • WALA ULIT! 
Checkout his youtube videos here:


Jacqueline's (Kamuning Market) (Groom's Barong and Pants)
Rate: 4/5  

Pros:
  • Mura at pwede mamili ng tela for the barong and pants.
  • Ang bilis natapos ng barong ni Obi. Two weeks lang, tapos na agad and ready for pick-up.
  • Maganda ang yari at sukat na sukat kay Obi ang barong and pants. Di na kailangan ipa-alter.
Cons:
  • Malayo from our place. Dadayuhin pa talaga para sa mga nakatira sa South.
  • Wala pang camisa de chino na kasama sa price.


Rey Casedo (Barong and Pants - Bride's Father)
Rate: 5/5

Pros: 
  •  Pwede mamili ng tela for the barong and pants.
  • Maganda ang yari at sukat na sukat kay Daddy ang barong and pants. Di na kailangan ipa-alter.
  • May kasama ng camisa de chino na shoot sa sukat ni Daddy.
  •  Affordable lang ang rate ni Mang Rey para sa barong.
  • Willing syang pumunta ng bahay para sukatan at i-deliver ang barong.
Cons:
  • Kailangan mag-full payment na agad after the measurement-taking. So tiwala lang talaga na di ka nya tatakbuhan.


Lilia Bonaobra (Mothers' Gowns)
Rate: 4/5

Pros:
  • Mura na for the price and style na ginawa nila for our Mom.
  • Nakatawad kami kasi marami kaming pinagawa sa kanila.
  •  Maganda ang yari sa gown ng Mom namin. Di naman halatang gawang Divisoria.
Cons:
  • May mga pina-alter pa kami nung pinick-up namin yung gown. Tapos after i-alter, naging masikip naman kaya kailangan pa namin talaga maghanap ng mag-alter malapit sa amin para di na kami bumalik pa ng Divisoria para dun.
  • Napagbintangan pa kami na peke ang binayad namin na pera. Pero okay naman na-ayos naman ang gusot.

TIP:
  • Wag nyo sasabihin ang exact date ng kasal nyo. Sabihin nyo na ang wedding date nyo is a month ahead than the exact date. Para may time pang mag-ayus ng problem sa damit, if meron.
  •  If may peg na kayo, iprint-out nyo na at make sure na i-clear lahat ng mga ayaw at gusto nyo sa gown.


North Greenhills Clubhouse
Rate: 4/5 

Pros:
  • Cheap ang rental fee ng NGH. 15K lang for the use of the whole venue, kasama na ang mini stage.
  • Malaki na rin ang buong venue for 150 pax.
  • Malinis ang restroom nila at well maintained.
  • Mabait kausap yung contact namin.
Cons:
  • Kailangan ng sponsor para makapag book ng venue
  • May security deposit na 10K which can be refunded 5 days after the event naman.
  • Medyo mahirap puntahan if walang car kasi wala silang tricycle sa loob ng village para sa mga walang dalang sasakyan.


Rate: 5/5   - HIGHLY RECOMMENDED

Pros:
  • Queensland na talaga ang gusto namin from the start kasi suki na sina Obi sa Queensland at kilala na silang client.
  • Si Michelle ang AE namin at mabilis sya sumagot sa mga inquiries namin, both sa email at text.
  • Si Madel ang nakausap namin sa detailing at very accommodating sya. Nagsusuggest din sya ng mga items na pwede nila ipahiram for our wedding.
  •  Mura ang rates ni Queensland. Roughly 500 per head lang ang rate na nakuha namin.
  • Masarap ang food at sabi ng guests namin gustong gusto nila ang food ng caterer.
  • Team ni Victoria ang na-assign sa amin. Magaling sya at alisto lahat ng mga waiters nya. Wala kaming narinig na bad comment about them.
  • After the event nakabalot na rin yung mga tirang pagkain sa mga provided containers namin.
  • As early as June, nagtatanong na sila kung kelan kami free para i-detail ang wedding. Kaya mid-year pa lang tapos na agad kami sa details.
Cons:
  • Nabusog kami at nasiyahan sa serbisyo nila kaya wala kaming reklamo.
Rate: 4/5

Pros:
  • Got his promo rate na 4K for 3 layered cake with 1 edible layer plus customized design.
  • Mabait si Kiko (cake chef) when we met him at madami syang pinatikim na desserts nya kahit cake lang naman ang booked namin sa kanya.
  • MASARAP ang chocolate cake nya. Super moist at di nakakasawang kainin.
  •  May free na isang layer para lalagyan ng cake topper.
Cons:
  • Nasad lang kami sa itsura ng cake kasi malayo sa gusto namin yung itsura. Gusto kasi namin mukhang totoong wooden log yung cake. Kaso medyo di na-achieve.


our wedding cake


Roweliza's (Bridal Shoes)
Rate: 4/5  

Pros:
  • Mura lang ang pa-customize ng shoes sa kanila kasi Marikina based sila.
  • Wala ng extra charge after ko ibalik sa kanila yung shoes kasi di nasunod yung peg ko.
  • Libre na ang “Yes” at “I Do” na tatak sa shoes namin ni Obi kasi sa nanyaring di nila pagsunod sa napagkasunduan namin.
  • Dapat magpapagawa si Obi ng shoes sa kanila pero dahil walang makitang supplies si Rowie (owner?) sinabihan nya ako agad 2 weeks before ng target date para makapaghanap na agad kami ng ibang supplier.
Cons:
  • Di nasunod yung peg ko nung una. Ginaya lang talaga nila yung print-out na binigay ko at di pinaltan yung colors na pinili ko.
  • Pati height ng shoes di nasunod kaya binalik ko at pinarush ang pag-gawa ng revision.


bridal shoes
Astoria Plaza Ortigas
Rate: 5/5 – HIGHLY RECOMMENDED

Pros:

  • We booked 2-bedroom suite. one for me and one for obi's family.
  • 7K++ lang ang rate ng room nila for a 2-bedroom suite. So mura na for a 2-bedroom suite na sobrang laki.
  • Walang restrictions. 9 kami sa isang suite tapos sina obi 11 naman. Di naman sila nangsisita if meron excess na tao sa room.
  • Sulit din ang breakfast buffet nila. Masarap ang food.
  • Maganda ang rooms and well maintained. 
Cons:
  • WALANG WALA SYEMPRE!
* photos are stolen off the web... we hope they don't mind 

Labor of LOVE DIY's

Click each link to see our DIY stuff for the wedding




0 comments:

Post a Comment