Here is the second part of our suppliers' review.
Part one can be found HERE.
Foreveryday Photography
Part one can be found HERE.
Foreveryday Photography
Rate: 5/5 – HIGHLY RECOMMENDED
Pros:
- Gail and his team are great to work with
- Value for money. We booked his service-only package worth 30K. Nakakuha din kami ng 10% discount dahil may promo sya for those who booked him earlier that year.
- Sulit ang bayad namin kay Gail kasi ang ganda ng kinalabasan ng photos namin (as expected). Gwapo at maganda kami ni Obi.
- Masarap ka-work sina Eric Chua at Khristian Alog din. Part of Gail's team that day.
- Gail is part of Pat Dy’s team kaya medyo may hint of the latter's style sa mga photos namin.
- SUPER bait ni Gail. Kahit supplier ko nag-comment na ang bait nya ka-work.
- Magaling mag-direct si Gail ng mga dapat na poses ko sa lahat ng photos.
Cons:
- WALANG WALA SYEMPRE!
Our awesome onsite photos here:
Christian Andaya (Videographer)
Rate: 5/5 – HIGHLY RECOMMENDED
Pros:
- Magaling si Christian, madami sa guests namin were asking kung sino at magkano ang videographer namin.
- Open to suggestion si Christian. Ginawa nya yung mga special request namin sa video.
- Naka-work na nya si Gail kaya good na ang chemistry nila.
- Value for money. We booked him early at nakuha namin ang 2012 rate nya. 35K lang ang video package na kinuha namin sa kanya.
Cons:
- WALANG WALA SYEMPRE!
Fullblooms by Inah Anupol (Church Flowers)
Rate: 5/5
Pros:
- Church florist namin si Fullblooms and madami kaming nakuhang freebies sa rate na bigay nya sa amin like lose petals, bridal car flowers at curtain decor sa church doors.
- Natuwa ako sa curtain na setup nya sa simbahan. Didn’t expect it to be that good. Ineffortan talaga ang pag set-up.
- Got a 10% discount. 9K na lang ang rate na bigay nya sa amin.
- No extra charge na rin yung pag-transfer ng flowers from church to reception venue.
Cons:
- None
Khevin Almario (Wedding Singer - Church)
Rate: 5/5 - HIGHLY RECOMMENDED
Pros:
- Ang galing ni Khevin kumanta. Choir-ish ang voice nya at pang-simbahan talaga.
- Mura lang ang rate nya. Naka-discount lang kami kasi friend ko ang friend nya. Hihi!
- Nagse-serve sya sa NSDG Church kaya walang problema sa mga liturgical songs kasi marami syang alam.
Cons:
- WALA ULIT!
Checkout his youtube videos here:
Jacqueline's (Kamuning Market) (Groom's Barong and Pants)
Rate: 4/5
Pros:
- Mura at pwede mamili ng tela for the barong and pants.
- Ang bilis natapos ng barong ni Obi. Two weeks lang, tapos na agad and ready for pick-up.
- Maganda ang yari at sukat na sukat kay Obi ang barong and pants. Di na kailangan ipa-alter.
Cons:
- Malayo from our place. Dadayuhin pa talaga para sa mga nakatira sa South.
- Wala pang camisa de chino na kasama sa price.
Rey Casedo (Barong and Pants - Bride's Father)
Rate: 5/5
Pros:
- Pwede mamili ng tela for the barong and pants.
- Maganda ang yari at sukat na sukat kay Daddy ang barong and pants. Di na kailangan ipa-alter.
- May kasama ng camisa de chino na shoot sa sukat ni Daddy.
- Affordable lang ang rate ni Mang Rey para sa barong.
- Willing syang pumunta ng bahay para sukatan at i-deliver ang barong.
Cons:
- Kailangan mag-full payment na agad after the measurement-taking. So tiwala lang talaga na di ka nya tatakbuhan.
Lilia
Bonaobra (Mothers' Gowns)
Rate: 4/5
Pros:
- Mura na for the price and style na ginawa nila for our Mom.
- Nakatawad kami kasi marami kaming pinagawa sa kanila.
- Maganda ang yari sa gown ng Mom namin. Di naman halatang gawang Divisoria.
Cons:
- May mga pina-alter pa kami nung pinick-up namin yung gown. Tapos after i-alter, naging masikip naman kaya kailangan pa namin talaga maghanap ng mag-alter malapit sa amin para di na kami bumalik pa ng Divisoria para dun.
- Napagbintangan pa kami na peke ang binayad namin na pera. Pero okay naman na-ayos naman ang gusot.
TIP:
- Wag nyo sasabihin ang exact date ng kasal nyo. Sabihin nyo na ang wedding date nyo is a month ahead than the exact date. Para may time pang mag-ayus ng problem sa damit, if meron.
- If may peg na kayo, iprint-out nyo na at make sure na i-clear lahat ng mga ayaw at gusto nyo sa gown.
North Greenhills Clubhouse
Rate: 4/5
Pros:
- Cheap ang rental fee ng NGH. 15K lang for the use of the whole venue, kasama na ang mini stage.
- Malaki na rin ang buong venue for 150 pax.
- Malinis ang restroom nila at well maintained.
- Mabait kausap yung contact namin.
Cons:
- Kailangan ng sponsor para makapag book ng venue
- May security deposit na 10K which can be refunded 5 days after the event naman.
- Medyo mahirap puntahan if walang car kasi wala silang tricycle sa loob ng village para sa mga walang dalang sasakyan.
Queensland Catering Service
Rate: 5/5 -
HIGHLY RECOMMENDED
Pros:
- Queensland na talaga ang gusto namin from the start kasi suki na sina Obi sa Queensland at kilala na silang client.
- Si Michelle ang AE namin at mabilis sya sumagot sa mga inquiries namin, both sa email at text.
- Si Madel ang nakausap namin sa detailing at very accommodating sya. Nagsusuggest din sya ng mga items na pwede nila ipahiram for our wedding.
- Mura ang rates ni Queensland. Roughly 500 per head lang ang rate na nakuha namin.
- Masarap ang food at sabi ng guests namin gustong gusto nila ang food ng caterer.
- Team ni Victoria ang na-assign sa amin. Magaling sya at alisto lahat ng mga waiters nya. Wala kaming narinig na bad comment about them.
- After the event nakabalot na rin yung mga tirang pagkain sa mga provided containers namin.
- As early as June, nagtatanong na sila kung kelan kami free para i-detail ang wedding. Kaya mid-year pa lang tapos na agad kami sa details.
Cons:
- Nabusog kami at nasiyahan sa serbisyo nila kaya wala kaming reklamo.
Rate: 4/5
Pros:
- Got his promo rate na 4K for 3 layered cake with 1 edible layer plus customized design.
- Mabait si Kiko (cake chef) when we met him at madami syang pinatikim na desserts nya kahit cake lang naman ang booked namin sa kanya.
- MASARAP ang chocolate cake nya. Super moist at di nakakasawang kainin.
- May free na isang layer para lalagyan ng cake topper.
Cons:
- Nasad lang kami sa itsura ng cake kasi malayo sa gusto namin yung itsura. Gusto kasi namin mukhang totoong wooden log yung cake. Kaso medyo di na-achieve.
our wedding cake |
Roweliza's (Bridal Shoes)
Rate: 4/5
Pros:
- Mura lang ang pa-customize ng shoes sa kanila kasi Marikina based sila.
- Wala ng extra charge after ko ibalik sa kanila yung shoes kasi di nasunod yung peg ko.
- Libre na ang “Yes” at “I Do” na tatak sa shoes namin ni Obi kasi sa nanyaring di nila pagsunod sa napagkasunduan namin.
- Dapat magpapagawa si Obi ng shoes sa kanila pero dahil walang makitang supplies si Rowie (owner?) sinabihan nya ako agad 2 weeks before ng target date para makapaghanap na agad kami ng ibang supplier.
- Di nasunod yung peg ko nung una. Ginaya lang talaga nila yung print-out na binigay ko at di pinaltan yung colors na pinili ko.
- Pati height ng shoes di nasunod kaya binalik ko at pinarush ang pag-gawa ng revision.
bridal shoes |
Astoria Plaza Ortigas
Rate: 5/5 – HIGHLY RECOMMENDED
Pros:
- We booked 2-bedroom suite. one for me and one for obi's family.
- 7K++ lang ang rate ng room nila for a 2-bedroom suite. So mura na for a 2-bedroom suite na sobrang laki.
- Walang restrictions. 9 kami sa isang suite tapos sina obi 11 naman. Di naman sila nangsisita if meron excess na tao sa room.
- Sulit din ang breakfast buffet nila. Masarap ang food.
- Maganda ang rooms and well maintained.
Cons:
- WALANG WALA SYEMPRE!
* photos are stolen off the web... we hope they don't mind
Labor of LOVE DIY's
Click each link to see our DIY stuff for the wedding
- Flower bouquet
- Flower girls pail and flowers
- Headbands for the flower girls
- Flower in boxes
- Boutonniere
- Groom Boutonniere
- Thank you tags for guest souvenirs
- Thank you tags for VIP souvenirs
- E-invite
- Ring pillow
- Aras pillow
- Obi Kat signage
- Cake topper
- Map invite
- Wish tags for wish tree
- Wish tree
- Obi Kat caricature stamps
- Instagram/Facebook signage
- Perfect Match design
- Candle design
- Monogram