Last weekend, we visited Divisoria for the third time since we started prepping up for the wedding.
*insert dreamy flashback effect here*
We did the
our first Divisoria run to buy DIY craft materials and paraphernalia. The second time (which, we realized just now, went undocumented) is to resupply those and check out prices for barongs and gowns. Bonus na lang na habang naglalakad kami pauwi noon, may nadaanan kaming Korean-owned store that sells very affordable faux flowers. Nagkaroon kami ng wedding giveaways ng de oras at sa halagang hindi lalampas ng isang libo... lahat lahat! Peksman!
|
instant kargador |
*end of flashback*
For this trip, ang target namin ay bumili ng tela at magtingin ulit ng mga barong at gown. We were able to keep tabs on where to go and what to look for after thorough researching online, asking tips from our seamstress, and even questioning staffs of fabric stores in malls around Makati. In short, we are armed (if not well armed) with relevant information about textiles bago kami pumunta.
Nasobrahan kami ng aga. Wala pang alas-ocho ng umaga, nasa Divine Mart na kami (Obi, Kath, at sister ni Kath). Blessing in disguise ito dahil sa unang bukas na stall na napuntahan namin (wala pang masyadong bukas na stalls noon) ay nandoon na agad lahat ng kailangan naming tela.
|
selfie sa loob ng padyak babala: huwag tularan, nakawawala ng cellphone |
Nasa kahabaan ng Ilaya Street ang Divine Mart sa Divisoria. Ang entrance ng lugar ay nasa left side bago lang dumating ng Jollibee at Mang Inasal (na nasa right side). May malaking signage naman sa entrance na "Divine Mart" so madaling makita. Navigating inside is the tricky part. Parang maze sa loob at andaming tabi-tabing stalls ("pasilio" ang tawag nila).
View Larger Map
Yung napagbilhan namin ng tela para sa gown ng entourage ay
TMC Commercial ang pangalan. Ayon sa naka-paskil sa kanilang signboard, sila ay nasa T63-S64. Not sure how do you locate them with those coordinates. I guess, mag tanong tanong na lang sa loob.
|
manang cely and manang kat, discussed fabric stuff |
Accommodating yung staff na umasikaso sa amin. Si Manang Cely. Natuwa kami dahil lahat ng gusto naming kulay at uri ng tela ay meron sila and for cheaps! Ito yung mga nabili namin.
- lilac & african violet multi chiffon (outer layer ng adult gowns)
- lilac charmeuse (2nd layer ng adult gowns)
- lilac geena silk (inner layer ng adult gowns)
- cream satin (tops ng kiddie gowns)
- lavender organza (outer layer skirt ng kiddie gowns)
- lilac satin (inner layer skirt ng kiddie gowns)
|
tela-lalala! kalhati ng presyo ang tubo ng mga textile stores sa sikat na malls |
Kinailangan pa namin bumalik after an hour dahil sarado pa ang bodega nila sa sobrang aga namin. Kaya nagtingin tingin na lang muna kami sa paligid ng mga supplies for our DIY crafts. The other side of Ilaya Street (Tabora Street) is known to have tons of items for weddings and similar events. Doon kami namalagi noong unang dalawang punta namin sa Divisoria para mamili. Here are the things that we got this time.
- assorted vintage buttons
- magic zipper na lilac
- sinulid na lilac
- brooch
- pearls
- headband
- white na lace
|
more vintage-y buttons for us! |
Bitbit ang sandamakmak na tela, tinuloy namin ang pag-gagala sa katabing 168 Mall at 999 Mall. Dito kami nagtuloy maningin ng mga barong at gowns. Napaka intensive ng collection ng mga damit at tela dito, at sooobrang mura kumpara sa mga sikat na stores sa mga mall. Most likely bumalik kami doon para sa barong ng mga abay at gowns ng moms.
|
Wellmanson - Divisoria |
At the end of the day, ang reward namin for ourselves for a job well done ay ang kumain sa Wai Ying in Binondo! Can't go wrong... yub yub! Dumaan din muna kami sa Eng Bee Tin para bumili ng pasalubong at sa Binondo Church para magpasalamat sa lahaaat ng blessings na natatanggap namin.
|
goodjob! |
P.S.: Medyo may minor boo-boo lang dahil mali ang kulay ng nabili naming sinulid at zipper. Pero as of now, naghahanap na kami ng sinulid at zippers na kakulay ng mga tela namin.
0 comments:
Post a Comment